Lumaktaw sa pangunahing content

Popcorn sa umaga? Tama ba na puro pelikula sa umaga sa free TV sa Pilipinas, kesa sa Bagong Anime na dapat sanang mapanood sa free TV?


Popcorn sa umaga? Pelikula sa umaga? Gaano kaya nakakagawa ng kawalaan ng puso ang mga Pilipino sa mga Bagong Anime, nang dahil sa sine sa umaga? Tama ba na gawing routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga pelikula sa umaga sa free TV sa Pilipinas, sa halip na Bagong Anime?



Talaga nga bang sinasadya ng tatlong kilalang TV network sa Pilipinas ang magpalabas ng mga pelikula sa umaga, imbis na Bagong Anime na para sa mga kabataang Pilipino? Gaano kaya nakaka-apekto sa pagsikat ng Bagong Anime, ang ganitong palabas na ginagawa ng tatlong istasion na ito.

Kaya atin natin matatalakay sa issue na ito kung talagang tama bang almusalin ng mga Pilipino ang popcorn, dahilan ng sine sa umaga?

Ang mga sagot riyan sa issue na yan, kaugnay ng ginagawa ng tatlong network na nagpapalabas ng sine sa umaga, "MALI!" ang kanilang ginagawa, dahil sa ganyang uri ng sistema na nilikha nila, nakakagawa sila ng pagkontra sa pagpapalabas ng Bagong Anime, dahil sa pagprotekta sa mga batang manonood at sa pamilyang manonood, kaya ang nagiging dahilan nila, para lamang sa local entertainment industry o di kaya naman sa hollywood industry naman sila nagsusuporta ang tatlong network.

Eh ang mga pagtanggi nila kasi sa mga Japanese Shows na gaya ng mga Bagong Anime, kaya ang kilalang tatlong TV network sa Pilipinas ay palagi silang nagpapalabas ng mga pelikula sa umaga, para balewalain ang mga kabataan. Eh youth oriented na palabas, mature na palabas na gaya ng Bagong Anime, eh kaya dahil sa panay ang sine sa umaga, dumarami naman ang mga Pilipino ang nagiging 'normienoys' nang dahil sa sine sa umaga na inaabangan nila, imbis na Bagong Anime.

"MALI!" kasi ang tatlong istasion na lagi silang naka-rely sa mga pelikulang Pilipino, pelikulang Amerikano, at iba pa, kaya nagiging ugali kasi ng mga Pilipino na parang baga'y nagpapangalawang aalmusal sila, yun ay ang popcorn nga o di kaya mga fastfood o junk food na ang naaalmusal nila sa umaga, dahil sa sine sa umaga.

Eh ang sine sa umaga kasi, halos dalawang oras higit lamang yan, eh ang Bagong Anime, pagsamahin mo ang mga bilang ng episodes na hanggang 25 minutos ang bawat episodes. Eh ang pelikula sa umaga, mas matagal lamang yan at makakaubos lamang yan ng oras yan, kesa sa Bagong Anime. Eh ang Bagong Anime ang mas matagal, kahit 25 minutos lamang ang isang episodes (na hanggang 12 or more episodes) ay hindi ka mawawalan ng gana sa panonood ng mga Bagong Anime.

Alam naman natin na mali ang tatlong TV network sa Pilipinas kasi, na ang kauugalian ng mga Pilipino sa pang-umaga ay popcorn at junk food ang aalmusalin, dahil sa palabas na pelikula sa umaga, mas "UNHEALTHY!" ang ganyang gawain ng tatlong istasion sa Pilipinas. Eh mas healthy pa kaya ang mga Bagong Anime, dahil yon lamang kasi ang pumapatok sa buong mundo at hindi ang mga peli-pelikula sa umaga na sadya lamang ng kilalang tatlong TV network sa Pilipinas.

Kaya ang mga Pilipino, "HUWAG!" na kasi silang manood ng pelikula sa umaga na alok pa ng kilalang free TV sa Pilipinas, dahil "HINDI!" naman kasi nakakatulong yan sa pagsikat at pagpatok ng Bagong Anime sa Pilipinas. Isipin natin na ang mga palabas na pelikula sa umaga ay entertainment lamang yan ng mga grupo ng mga pnoys, kahit mayaman o mahirap sila, huwag na po natin tangkilikin pa ang mga pelikula sa umaga, tangkilikin na lang po natin ang mga Bagong Anime.

Sapagkat ang pelikula sa umaga ay "HINDI!" talaga dapat gawing almusal ng mga Pilipino yan, dahil hindi naman talaga nakakapagpapalusog sa mga manonood, at nakakasira pa sila sa pagpasok ng kasikatan ng Anime sa Pilipinas, kaya iwasan na lang manood ng mga pelikula sa umaga.

Ang Anime na bago ay isa lamang kasi na pampasiglang palabas na para sa lahat ng mga bata at kabataang Pilipino, dahil diyan sila sumisigla sa ganyang palabas kesa sa pelikula sa umaga. Kaya dapat lang ipadama sa mga Pilipino ang mga Bagong Anime, na siya ring susi sa pagpasok ng kasikatan ng Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa ating bansa.

Kaya ang mga pelikula sa umaga ay maituturing "JUNK FOOD!" lamang yan sa isipan ng mga Pilipino at "HINDI!" dapat ugaliing almusalin ng mga Pilipino yan.

Ang Bagong Anime ang dapat maghari sa puso at isipan ng mga Pilipino, sapagkat maraming kabataan ang napapahilig sa kasikatan ng Anime at J-Pop sa Pilipinas.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ppop sa Pilipinas: Kabilang ba ito sa pasikat ng bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Ang 'ppop' nga ba ay kabilang nga ba ito sa mga pasikat ng mga pnoys at bakit nga ba masasabi natin kung ito ay kasama sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Bakit sa daming oras at panahon na sinasayang ng mga Pilipino at bakit nga ba hindi nga makakilala ng Bagong Anime at J-Pop ang mga Pilipino. Mayroon nga bang panibagong humaharang o humahadlang sa pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop sa ating bansa? Dapat nga ba makiuso sa mga Pilipino na walang alam sa Anime at J-Pop? Ngayon aalamin natin kung ang pinapauso ng mga Pilipino at ng mga pnoys na ppop ay talaga nga bang kasama ba yan sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Masasabi natin ito na talagang kasama sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa ating bansa, na pinagsamang 'localismo' na siya ring humahadlang o humaharang mismo sa pagpasok ng kasikatan ng Otaku-Akiba/Ja...
Dapat pa bang paniwalaan ng mga Pilipino ang Anime ay cartoons o cartoons ang Anime? Bakit hanggang ngayon ay marami pa ring naniniwala sa maling paniniwala ng mga Pilipino na ang cartoons ay Anime o Anime ang cartoons? Dapat bang paniwalaan yan? Sa maraming nagdaang issue, marami ang hindi makapaniwala na ano ba ang cartoons at anime sa mga Pilipino, pero bakit marami ang mga Pilipino ang nagpapaniwala sa mga sabi-sabi ng iba na ang Anime ay di umano ay cartoons o Anime ay cartoons. Talaga nga bang tama ngang paniwalaan ng mga Pilipino ang ganung uri ng tawag sa Anime? Ngayon aalamin natin ito, tama ba na matawag na Anime ang mga cartoons o cartoons ang mga Anime? Ang sagot riyan ay "HINDI!" talaga cartoons ang mga Anime o "HINDI!" Anime ang mga cartoons. Samakatuwid baga'y magkaiba ang panig ng cartoons at Anime. Kaya dapat hindi paniwalaan ang mga sinasabi ng iba na ang Anime ay cartoons o cartoons ang Anime. "MALI!" kasi ang ganung uri ng pagkilala...
  Panay ang pa-throwback at pa-90's pababa at 2000's ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans? Gaano kaya nakaka-apekto ito sa pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas? Pa-throwback at ang panay ang pa 90's pababa at panay ang 2000's ng mga Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas, sa halip na Bagong Anime at J-Pop ang kinikilala ay mga luma ang kinikilala lamang nila. Tama ba yon at tama ba silang masanay sa kalumaan kesa sa Bagong Anime at J-Pop na umiiral ngayon sa panahong ito? Marahil ba na ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ba ay mayroon bang sumasabay ba na makaluma sa kanilang kinikilalang Anime na wala sa panahon nila ngayon, o kaya naman ipinasasadya ba nilang ipakilala ang mga lumang anime sa iba, para lang mawalay sila sa pagkilala sa mga Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas? Gaano kaya napag-iiwanan ang mga Anime Fans sa Pilipinas ng ibang bansa na nakakakilala na sa mga Bagong Anime at J-Pop? Aalamin natin ito, kung bakit nga nakaka-apekto sa pagkilala sa Bagong Anime at...