Lumaktaw sa pangunahing content

 Panay ang pa-throwback at pa-90's pababa at 2000's ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans? Gaano kaya nakaka-apekto ito sa pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas?


Pa-throwback at ang panay ang pa 90's pababa at panay ang 2000's ng mga Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas, sa halip na Bagong Anime at J-Pop ang kinikilala ay mga luma ang kinikilala lamang nila. Tama ba yon at tama ba silang masanay sa kalumaan kesa sa Bagong Anime at J-Pop na umiiral ngayon sa panahong ito?



Marahil ba na ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ba ay mayroon bang sumasabay ba na makaluma sa kanilang kinikilalang Anime na wala sa panahon nila ngayon, o kaya naman ipinasasadya ba nilang ipakilala ang mga lumang anime sa iba, para lang mawalay sila sa pagkilala sa mga Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas?

Gaano kaya napag-iiwanan ang mga Anime Fans sa Pilipinas ng ibang bansa na nakakakilala na sa mga Bagong Anime at J-Pop?

Aalamin natin ito, kung bakit nga nakaka-apekto sa pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop ang mga pa-throwback, ang pa 90's pababa, at ang pa 2000's ng mga bagong kabataan sa Pilipinas, na mismong ipinagpipilit ang mga kalumaan sa maraming kabataan at hindi ang mga Bagong Anime at J-Pop na napapanahon ngayon. Yun ba talaga ay tama ba yon? Masasagot natin yan na talagang "HINDI!" nga napapanahon ang mga kalumaan sa mga bagong kabataang Pilipino, dahil anupa't ang mga bago ang nauusong ipasikat sa mga Pilipino. Kaya nakakapagtataka kasi kapag pinauso nila ang mga pang nostalhiang palabas sa mga bagong Pilipino ay makukulong ang mga isipan nila sa kalumaan.

Kaya yung mga kabataan kasi sa panahon ngayon, umuuso kasi sila sa mga luma, imbis na bago. Kaya nagiging paurong ang mga Pilipino, dahilan pa ng pagpipilit pa nila sa mga lumang palabas na kinagisnan ng karamihan, para lang ipalaganap pa sa iba. Kaya ang nagiging resulta, wala nang kumikilala sa Bagong Anime at J-Pop, dahilan ng pagpapakilala nila sa mga luma. Kaya pinapalabas ng marami kasi na laos na ang Anime sa Pilipinas, eh ang totoo, sinasadya kasi ng mga nagpapa-throwback kada taon.

Kaya laging walang pag-asang sumikat ang mga Bagong Anime at J-Pop sa free TV sa Pilipinas, lalo na sa publiko. Ang nangyayari pa diyan, nalululon rin ang karamihan sa nostalhia na dala ng pa-throwback. Eh ang masaklap pa riyan, naka-apekto nga talaga sa pagpasok ng kasikatan ng Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas, dahilan na pinipigilan kasi nila ang pagkilala sa mga yan, kaya ang nagiging bunga pa nito, marami ang mga hindi Anime/J-Pop Fan ang napapatangkilik sa mga lumang anime.

Kaya nakakagawa sila ng maling pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop, ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, dahil sa ganung paraan na ginagawa nila kasi.

Anupa't ang mga Bagong Anime nung 2010's noon, hindi nga makapagpasikat sa Pilipinas via free TV, dahilan pa ng mga fans na panay ang asa sa throwback anime sa isang istasion na panay ang palabas ng lumang anime na pili ang tema at pili ang kasarian na walang iba kundi yung nasa GMA7.

Yun kasi ang pinipili ng mga kabataan kasi nung 2010's, ngayon panahon ng 2020's pataas, sinasadya nilang ipadama pa sa iba pa, lalo na sa mga bata at pati pa sa mga pnoys na walang alam at kontra pa sa Anime at J-Pop, nagiging radikal na ang nostalhia na dala ng pa 90's pababa, 2000's, at ang throwback kada taon sa kanila.

Subalit paano kaya yan maiiwasan ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ang magpalaganap ng kalumaan sa iba pang hindi Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas? Dapat lang iwasan at huwag ipalaganap pa sa iba, dahil marahil nagagamit lamang yan ng mga wala pa sa Anime/J-Pop Fandom, yang mga kinagisnan ng karamihan noon.

Alam naman natin na ang mga lumang anime ay hindi na ipinapauso pa sa iba. Kasi alam naman natin na kapag luma na ay huwag nang ipakalat pa sa iba, dahil ang mga Bagong Anime at J-Pop ang naaapektuhan ng mga pa-throwback ng mga Pilipino. Kaya iwasan na lang natin o isantabi na lang muna ang mga lumang anime, para walang mga kabataang Pilipino sa panahon ngayon ang nakakadarama ng kalumaan sa panahon ngayon. Bagong Anime ang uso kesa sa throwback anime sa Pilipinas.

Eh ang mga pnoys na panay ang pagsuporta sa mga paulit-ulit na anime na throwback pa, talagang nagiging anime fan pa ba sila? Talagang "HINDI!" sila nagiging anime fan sa mga yan, kundi yon ay sasadyain nilang ipadama na laos ang anime sa Pilipinas o di kaya naman sasadyain nilang ipasuporta sa mga elitistang pnoys lalo na ang mga koreaboong pnoys na toxic ang pagsuporta sa pinapalabas na lumang anime sa GMA7, para lang harangan ang pagpasok ng mga Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas.

Kaya yung mga Pilipino Anime/J-Pop Fans na walang kamalay-malay na panay ang pagpapalaganap ng lumang anime sa ibang Pilipino, tila ang mga hindi naman Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas ay talagang ginagaya nila at ang ganung paraan na ginagawa nila ay para sadyain lamang nila na harangan ang pagpasok ng mga Bagong Anime at J-Pop, upang hindi makilala ng mga Pilipino, dahil sa pagkilala nila sa mga luma. Kaya may pagsisisi ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans rito sa ginawa nila noon.

Sapagkat ang mga pa-throwback ng mga lumang anime ng 90's pababa at ng 2000's, tila kasi may iba naman hindi gaano kilala sa kanila yung ibang anime sa naturang taon, hindi nila pinakikilala pa sa iba, dahil walang internet noon sa kanila. Kaya ang mga Anime/J-Pop Fans noon, nagpapalaganap sila ng mga makabagong Anime noon, kaso nga lang, sa panahon ngayon, di na sila nakikipagkaisa sa mga makabago na pinapauso ng 2010's, 2020's hanggang pataas, tinatanggihan nila kasi.

Kaya "MALI!" talaga ang mga Anime/J-Pop Fans natin. Hindi na sana pa pinalala pa ang situasion sa pagpapalaganap ng Anime at J-Pop sa Pilipinas.

Eh ang mga radikal na mga pnoys na sinasadya nilang ipalaganap ang mga lumang anime sa mga bata at kabataan ngayon, alam natin na "WALA!" talaga silang karapatang magpalaganap pa ng Anime na luma at laos na. Ang may karapatan lamang magpalaganap ng Anime ay ang mga tapat mismo sa Anime.

Kaya ang mga lumang anime na paulit-ulit na, na ibinabalik sa pamamagitan ng throwback ay dapat nang isantabi na ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, para hindi maapektuhan ang pagpasok ng Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas. Yun ang dapat gawin ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa panahon ngayon.

Hindi naman natin dapat iwasan ang mga Bagong Anime sa panahon ngayon, dahil ang mga Bagong Anime ay patuloy lamang silang nagbibigay kasiyahan sa marami, at madami sa buong mundo ang tumatangkilik ng Bagong Anime, para sa pagiging tapat nila na Anime/J-Pop Fans sa kanilang buhay.

Ngayon patunayan natin sa kanila, hindi kasi tama ang mag throwback na lang, para lang iwasan ang pagsikat ng Bagong Anime at J-Pop sa iba, talagang "MALI!" yon. Kaya dapat makipagkaisa ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans sa kasikatan ng Bagong Anime at J-Pop, upang maging buhay ang Anime/J-Pop Fandom sa Pilipinas.

Dapat natin kasi alalahanin natin yung mga hindi sumikat na Bagong Anime sa Pilipinas, at dapat nilang tuklasin ang mga pinapasikat ng Bagong Anime, para maunawaan rin ng mga hindi pa Anime/J-Pop Fan na mga Pilipino, upang hindi na sila papatol pa sa mga lumang anime na pinapalabas ng GMA7.

Kaya piliin na nila ang mga Bagong Anime at huwag nang lumingon pa sa mga throwback anime na pinapalabas ng GMA7 o ng ibang mainstream media, dahil ang panahon ngayon ay nakabatay na sa mga Bagong Anime. Iwasan na lang natin makiisa sa mga fans ng mga makalumang palabas na pinapaboran ng mga pnoys.

Kaya ang throwback ay isantabi na lang. Ang Bagong Anime at J-Pop ay dapat nang alalahanin na at pansinin. Ang mga Pilipino ay hindi dapat nakikiisa sa mga nagpapauso ng lumang anime, dapat lamang makiisa sila sa mga nagpapalaganap ng kasikatan ng Bagong Anime at J-Pop, upang maging kaisa sila sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ppop sa Pilipinas: Kabilang ba ito sa pasikat ng bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Ang 'ppop' nga ba ay kabilang nga ba ito sa mga pasikat ng mga pnoys at bakit nga ba masasabi natin kung ito ay kasama sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Bakit sa daming oras at panahon na sinasayang ng mga Pilipino at bakit nga ba hindi nga makakilala ng Bagong Anime at J-Pop ang mga Pilipino. Mayroon nga bang panibagong humaharang o humahadlang sa pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop sa ating bansa? Dapat nga ba makiuso sa mga Pilipino na walang alam sa Anime at J-Pop? Ngayon aalamin natin kung ang pinapauso ng mga Pilipino at ng mga pnoys na ppop ay talaga nga bang kasama ba yan sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Masasabi natin ito na talagang kasama sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa ating bansa, na pinagsamang 'localismo' na siya ring humahadlang o humaharang mismo sa pagpasok ng kasikatan ng Otaku-Akiba/Ja...
Dapat pa bang paniwalaan ng mga Pilipino ang Anime ay cartoons o cartoons ang Anime? Bakit hanggang ngayon ay marami pa ring naniniwala sa maling paniniwala ng mga Pilipino na ang cartoons ay Anime o Anime ang cartoons? Dapat bang paniwalaan yan? Sa maraming nagdaang issue, marami ang hindi makapaniwala na ano ba ang cartoons at anime sa mga Pilipino, pero bakit marami ang mga Pilipino ang nagpapaniwala sa mga sabi-sabi ng iba na ang Anime ay di umano ay cartoons o Anime ay cartoons. Talaga nga bang tama ngang paniwalaan ng mga Pilipino ang ganung uri ng tawag sa Anime? Ngayon aalamin natin ito, tama ba na matawag na Anime ang mga cartoons o cartoons ang mga Anime? Ang sagot riyan ay "HINDI!" talaga cartoons ang mga Anime o "HINDI!" Anime ang mga cartoons. Samakatuwid baga'y magkaiba ang panig ng cartoons at Anime. Kaya dapat hindi paniwalaan ang mga sinasabi ng iba na ang Anime ay cartoons o cartoons ang Anime. "MALI!" kasi ang ganung uri ng pagkilala...