Padamihan ng tao para tuligsain at hamunin ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas? Tama ba yang ginagawa ng mga grupo ng mga pnoys?
Padamihan ba ng tao, o talagang mayabang at inggit lamang ang mga grupo ng mga pnoys na to. Bakit ba sila nanunuligsa laban sa Anime/J-Pop Events sa Pilipinas at para saan ang kanilang ginagawang hamon sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans?
Ano nga ba ang dahilan nitong mga inggit at mayayabang na mga grupo ng mga pnoys na ito. Sila ba mismo ay iniisahan nila ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, para hindi malaos ang mga tinatangkilik nilang kpop at american entertainment o concert man yan sa Pilipinas. Gaano kaya nakaka-apekto ang gawaing yan?
Aalamin natin yan kung itong ginagawa ng mga grupo ng mga pnoys na padamihan ng tao sa venue ng mga non-anime/non-jpop events sa Pilipinas ay para tuligsain laban sa mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, para lang manatiling sikat lamang sa kanila ang mga amerikano o koreano na musika o entertainment sa Pilipinas?
Ang sagot sa ganyang gawain ng mga grupo ng mga pnoys, kabilang ang mga pnoys, pnoy social mediaboos, pnoy koreaboos, normienoys, zoomernoys, millenialnoys, at iba pang mga pnoyboos sa Pilipinas, "MALI!" ang kanilang mga ginagawa nila na sa sobrang panunuligsa nila laban sa Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, kahit maliit o malaki na Anime/J-Pop Events ang kanilang tinitira nila, para panghinaan ang kasikatan ng Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa Pilipinas.
Alam naman natin na ang mga grupo ng mga pnoys kasi, sa sobrang kainggitan nila, ayaw nilang tanggapin kasi ang kasikatan ng Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa kanilang mga puso at damdamin nila, dahilan pa nila ang mga pasikat ng mga amerikano at koreano at ng mga pilipino lamang ang masusunod sa kanila.
Kaya ang nagiging dahilan pa nila, napaka walang puso ang mga grupo ng mga pnoys, dahil sa pagiging anti-anime at anti-jpop, kaya hindi pinapagpala ang bansang Pilipinas sa kanilang mga aktibidad na ginagawa ng mga grupo ng mga pnoys. Yang padamihan ng tao sa concert ng amerikano o koreano sa kilalang venue (hal. Philippine Arena, SM MoA Arena, Smart Araneta Coliseum, atbp...), para lang magpasikat sa Pilipinas, kaya ito ay ginagawa parati ng mga grupo ng mga pnoys kada taon-taon.
Minsan ang venue na may madaming seating capacity mismo ang pinipili ng mga organizers ng kpop at hollywood, para sa concert nila sa Pilipinas, at ang mga grupo ng mga pnoys ay palagi silang bumibili ng tiket sa ganyang prestiyosong concert na parang baga'y doon nila mauubos ang yaman nila sa mga non-anime/non-jpop event na dinadaluhan nila kada taon. Talagang masasabi natin na sinasadya nila ang ugali o etiquette na padamihan ng tao ang mga grupo ng mga pnoys.
Kaya alamin pa natin ito, sino ba talaga ang may sala sa pagpapahina at pagtutuligsa sa mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas? Walang iba kundi ang mga organizers mismo at ang mga grupo ng mga pnoys na gumagawa ng sistema ng padamihan ng mga tao sa venue na paggaganapan ng mga kpop at western concerts na gustong itapat ang petsa na para lamang sa mga pinagdadausan ng mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas. Talagang masama ang epekto ng ginagawa kasi ng mga grupo ng mga pnoys.
Alam naman natin na ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay hindi naman gaano kadami ang mga tao ang nagtutungo sa mga Otaku Events. Marahil ang mga Otaku-Akiba/Japan Pop Culture Events sa Pilipinas ay maliit laman at dinadayo lamang ng mga mall-goers (kung libre) na hindi naman sila mga Anime/J-Pop Fans, o kaya naman ay malaki, pero may bayad, depende sa presyo ng tiket na pinipili nila. Kaya minsan ang Anime/J-Pop Events sa Pilipinas, may small, medium, o large, minor or major ang Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa ating bansa, halos ang katao sa Anime/J-Pop Event ay halos hindi aabot sa 10,000 pataas, kundi 10,000 o 5,000 pababa ang katao.
Kaya ang mga non-anime/non-jpop event kasi, halos ang mga katao ng mga grupo ng mga pnoys, halos hindi lang 10,000 kundi madalas magkakampi rin silang lahat sa grupo na halos sa bilang ay 50,000 pataas. Hindi na makatarungan ang ginagawa nila sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, pandurugas ang ginagawa ng mga grupo ng mga pnoys at ang mga concert ng mga non-jpop sa Pilipinas. Sapagkat ang padamihan ng mga pnoys talaga ay isa lamang na malaking insulto sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.
Ang padamihan ng tao sa mga concert ng kpop o hollywood sa mga kilalang venue ay talagang hindi naging tamang gawain ng mga grupo ng mga pnoys at yon ay nasabi natin na malaking insulto lamang sa mga Pilipino Anime/J-Pop Fans at sa Otaku-Akiba/Japan Pop Culture Events sa Pilipinas.
Sapagkat ang mga grupo ng mga pnoys ay talagang lubhang napakasama. Dahil lamang sa ganyang gawain nila na padamihan ng tao sa mga kilalang venue na may malaking seating capacity, para lang tuligsain ang mga Anime/J-Pop Events sa Pilipinas ay isa lamang na kasamaan na ginagawa ng mga grupo ng mga pnoys.
Kaya ang payo po natin sa mga Pilipino, huwag nang makisama pa po sa mga grupo ng mga pnoys, dahil ang mga yan ay walang puso sa Anime at J-Pop. Kaya samahan na lang po natin ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans, upang paunlarin ang kasikatan ng Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa Pilipinas, para rin sa ikauunlad ng ating bansa.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento