Talagang sinasadya na ba ng mga Pilipino itong pagdinig na to? Gaano kaya sila nakatutok sa mga pagdinig na pawang pasikat o showbiz ang dating nito? May napupulot ba ang mga Pilipino rito o kaya naman naniniwala pa sila sa mga ganyang balita na puro gulo lamang?
Maaaring di alam ng mga Pilipino na nakatutok pala sila, hindi lang sa free TV, kundi sa online pa sila sumusubaybay ng mga pagdinig na yan. Kaya ating matatalakay sa issue na ito, kung bakit ang mga Pilipino ay ginagawa nilang form of entertainment ang mga hearing o pagdinig sa kamara o sa senado, kongreso, representante, atbp...
Kaya nakakapagtataka nga lagi na nasa balita, laging live na live pa, halos maubos ang oras sa mga pagdinig na nauuwi lamang sa mala-showbiz entertainment na may halong kung ano-ano sa loob ng aktibidad ng mga politikong pinili ng mga Pilipino at ng mga pnoys na halos yon lang ang alam nila sa bahagi ng sistema ng Pilipinas.
Ngayon alamin natin ito, tama nga bang gawing form of entertainment ang mga hearing o pagdinig na yan? Ang sagot riyan, "HINDI!" talaga magandang gawing form of entertainment ng mga Pilipino ang mga hearing o pagdinig, dahil hindi gaano nakakabuti sa marami yan at nagiging pasikatan lamang ang mga politiko sa mga ganyang gawain.
Samantala kasi, hindi lang free TV o radio man nagaganap ang mga hearing hearing na yan, halos pati online rin, kaya maraming mga Pilipino at mga pnoys ang sumusubaybay sa mga pagdinig na yan sa online, live pa. Talagang pampaubos lamang ng oras yan at halos kumikita lamang ang mga mainstream media sa ganyang palabas, alam naman natin na hindi naman talaga nakakatulong ang mga pagdinig na yan, halos pasikatan lamang ang mga politiko riyan sa kamara at iba pa.
Hindi na kasi tama ang mga Pilipino na ginagawa nilang entertainment ang mga pagdinig na yan, kaya ang mga Pilipino at mga pnoys na naiimpluensiahan ng ganyang paniniwala o pananaw sa kanilang napapanood sa pagdinig na yan, talagang sila rin ay sumusuporta o pumupuri sa mga politikong mahilig sa paggawa ng pagdinig.
Isipin natin ang mga politikong pinapanalo ng mga pnoys, halos wala silang plataporma, kundi ang napapansin natin sa mga yan ay pawang pasikat, papogi, pagandahan, popularity contest, halos ang pagdinig ay labis nang nagiging showbiz na ng marami, kaya ang resulta niyan ay talagang pampasayang lamang ng oras at panahon sa buhay nila. Hindi kasi marunong ang mga Pilipino na pumili ng politikong may plataporma, eh ang kanilang pinipili kasi nila, yung sikat na sikat, kaya ang dahilan niyan pasikat sa pagdinig ang napapala nila. Kaya ang mga Pilipino ay tinitiis nila kasi ang mga pinili nila na mahilig magsagawa ng pagdinig na wala naman talagang silbi sa iba.
Akala nila kasi, importante na importante kasi sa kanila yang pagtutok sa mga pagdinig, imbis na kung anong palabas ang ating susubaybayan, talagang napapatutok sa mga kaliwa't-kanang bangayan sa senado, kongreso, representante, atbp..., Kaya may mga iilang mga Pilipino na kagaya ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ang sumasali sa usapin o minsan hindi naman sila sumasali sa ganyan, alam naman natin na "HINDI!" talaga kailanman naging form of entertainment ang mga pagdinig na yan.
Kaya kasi ang mga bumoto sa mga politiko na wala namang palang plataporma, puro pasikat lamang ang kanilang ginagawa, imbis na may natulungan, eh drawing lang naman pag-upo nila, may iba naman nangangako, pero sa pag-upo naman ay pawang mag-iingay lamang sa media at may iba ay idadaan pa sa mga pagdinig.
Kaya nakakasawa kasi ang mga kaliwa't-kanang pagdinig na yan, eh hindi naman lagi nasosolusionan ang problema, dahil nga ang sistema ng gobierno sa Pilipinas ay talagang bulok nga at hindi naman nila mapalitan, dahil sa mga politikong nakikinabang pa sa lumang sistema na siyang dahilan mismo ng pasikatan sa pagdinig o sa hearing.
Eh halos ang mga Pilipino kasi, akala nila na makakabuti sa kanila yang panonood ng mga pagdinig na yan sa free TV o sa online, eh talagang maguguluhan sila riyan, tapos makikita nila ang iniidolo nilang politician sa nagaganap na pagdinig, eh ang ginagawa nila ay sasang-ayunan nila, re-react sa live stream sa social media, eh halos ang nanonood nga talaga, mga pnoys na puro kontra naman at mga namimili ng mga sikat, imbis na plataporma ang dapat nilang piliin, kaya nagiging sentro nila ang mga serye ng pagdinig, eh kung ang politician na may plataporma na sumasali sa pagdinig kagaya ng pagbabago ng saligang batas, eh ang mga pnoys ay tinututulan nila, masama ang reaksion nila sa pagbabago sa sistema ng Pilipinas, ang gusto kasi ng mga pnoys ay yung mga politikong kontra sa pagbabago at laging present sa pagdinig sa iba.
Halata naman kasi na hindi na tama ang ginagawa ng mga pnoys na yan. Eh ang mga Pilipino, kailan kaya sila matututo na hindi nila dapat gawing form of entertainment ang mga pagdinig sa kamara na yan? Habangbuhay na lang bang ganyan ang sistema ng gobyerno, puro pulitikahan na lang ba?
Kaya iwasan natin gawing form of entertainment ang ganyang gawain sa politica, dahil hindi magandang gawain yan ng mga Pilipino yan. Kahit ang magandang gagawing plataporma sana ang maka-resolba ng problema sa ating bansa ang dapat lamang ang makagawa ng paraan, para maisalba ang Pilipinas sa kahirapan at hindi sa hearing na wala namang pagresolba sa kaso. Kaya dapat piliin ng mga Pilipino ang mga politikong di gaanong kilala na may plataporma at hindi pabida lamang sa politica.
Kaya ang gawin ng mga Pilipino, huwag nang makisalamuha sa mga pnoys na puro negatibo ang mga pananaw nila sa usapin sa politiko, dahil ang mga yan ay hindi sila tumutulong, pawang nagpapasarap lamang sila sa yaman at nagpapasarap lamang sila sa gawain ng mga bulaang anime sa Pilipinas.
Kaya sa susunod na eleksion, pumili ang mga Pilipino ng politikong di sikat at may plataporma at pagbabago sa sistema ng gobierno sa Pilipinas.
Dapat lang isantabi na muna natin ang mga pagdinig na yan, dahil ang mga pnoys mismo ay wala naman silang alam sa nangyayari, pawang ang mga pnoys ay nakikinabang lamang sila sa lumang sistema na nagpapayaman sa kanila at sa politikong pinili nila na walang plataporma at pasikat lang, talagang "HINDI!" sila mga mamamayanan sa loob at labas ng Pilipinas, ang mga pnoys na wala namang alam sa pagbabago sa sistema ng ating bansa, bagamat ang kanilang kaisipan ng mga pnoys o lahi ni aquino ay talagang nakikinabang lamang sila sa bulok na sistema at pag-aabang sa pagdinig na pinangungunahan ng kanilang pambato nila.
Sa mga Pilipino, huwag na huwag kayong magtitiwala pa sa mga pnoys, dahil ang mga kalahi ni aquino ay pawang nakikinabang lamang sila sa lumang sistema na nagpapayaman sa kanila, nagpapaniwala sa mga kakampi ni Aquino, at sinsadyang mamuhay ng sobrang normal at sobrang christian pa, kaya mala 14th century ang dating ng Pilipinas sa panahon ngayon, huwag na huwag natin silang asahan pa at huwag nang maniwala pa sa kanilang mga ipinaglalaban nilang karapatan sa buhay nila.
Sapagkat, ang pagdinig na yan ay isantabi na lang muna natin at manood ng mga palabas na hindi pa napapanood na gaya ng mga Bagong Anime at mga Japanese Entertainment na hindi pa nasusubukan pa ng mga Pilipino sa panahon ngayon. Kaya sa susunod na eleksion, pumili ng politikong di kilala at may plataporma, upang ang mauupo sa gobierno ay ang magpapalit ng lumang sistema patungo sa bagong sistema na inaasahan ng mga Pilipino at ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento