Lumaktaw sa pangunahing content

Teleserye at pelikulang may temang 'Wife/Wives': May masamang dulot ba ito sa mga Pilipino kesa sa Anime?


 Puro asawa kaso agawan at selosan ang naidulot nito. Ito ba ang tamang paglilibangan ng mga Pilipino kesa sa Anime na bago sa panahon ngayon?



Mismo ang mga palabas sa free TV (sa tatlong istasion) ay hindi nila maiwasan ang sobrang pangingiapid na tema sa primetime, dahilan kung bakit ang mga Pilipino mismo ay naiimpluensiahan ng mga palabas na may temang asawa na nauuwi sa agawang asawa at selosan.

Kaya ito ay ating matalakay at mabunyag ang kamalian ng ABS-CBN at GMA7 sa pagpapalabas ng programa na puro temang 'wife/wives'. Ito ay dating natalakay noon, dahil sa dumaraming kaso ng adultery at murder sa Pilipinas, dahil sa epekto ng paggaya ng mga Pilipino sa mga teleserye na may ugnayan sa agawang asawa at selosan. Maraming kalalakihan o kababaihan ang nasasangkot sa pangangalunya, dahil sa ginagaya nila ang teleserye na puro 'kabit', na siyang sumisira sa pamilya, live-in man yan o kasal man yan. Madalas ginagawang libangan ng bawat Pilipino yang palabas na 'kabitserye' sa primetime tanghali at gabi, kada taon.

Hindi nila napapansin na may masamang dulot ang ginagawa ng mga Pilipino sa pag-aaksaya ng oras sa pagbababad nila sa kabitserye na nauuwi lamang sa gulo?

Alamin natin kaya ito, gaano kaya kasama ang teleserye na may temang wife/wives kesa sa Anime? Sa Anime, ang mga babaeng Anime mismo ay mga virtual o fiction lamang sila. Kaya hindi sila katulad ng mga teleserye na totoong tao nga, ngunit naiimpluensiahan ang mga Pilipino sa eksena ng kabit, kaya nagagaya, akala nila na maganda ang ginagawa nila kesa sa Anime, pero ang masaklap pa niyan ay nauuwi lamang sa krimen ang nagagawa ng mga Pilipinong ginagaya nila ang teleserye.

Kaya ang nagiging problema pa sa kanila, sila rin ang nasisiyahan, sila rin ang nalalagay sa alanganin. Sapagkat ang mga Anime Fans sa Pilipinas na mahilig sa mga Waifus kesa sa teleserye na may temang wife/wives, alam naman natin na sa bulaang anime naman talaga ang teleserye, eh ang mga Anime Fans natin ay hilig nila sa mga babaeng Anime na hindi talaga nauuwi sa gulo. Hindi katulad ng mga Pilipinong babad na babad sa teleserye, kada oras, talagang expose sila sa paggawa ng kasamaan.

Kaya "MALI!" kasi ang mga Pilipino na panay ang nood nila ng teleserye na puro kabit, puro selos, talagang malululon sila sa ginagawa nila.

Alam naman natin na wala talagang matinong palabas sa free TV, kasi ang moralidad ng mga Pilipino pagdating sa panonood ng TV ay talagang naiiba na, di na talaga tama yon.

Yun ay talagang sinadya nga ng ABS-CBN at GMA7, upang hindi sila makapagpalabas ng Bagong Anime, dahil sa ginagawa nilang 'on-demand' ang mga teleserye na may temang wife/wives na nagdulot lamang ng matinding pagkasira ng moralidad ng mga Pilipino at hindi lang yon, dahil sa ginagaya nila, sila pa mismo ang nalalagay sa alanganin.

Kung sa Anime, eh meron talagang tinatawag na 'NTR' (Netorare), kaso sa mga Hentai lamang nakikita ang ganung tema at hindi sa mga Anime Series. Kasi sa Anime, malinis ang kanilang mga tema sa pinapalabas nila sa TV, dahil nga nasisiyahan rin ang mga Anime Fans sa tema na walang bahid ng kabit at selosan.

Di kagaya ng teleserye, ano ang napapala ng mga Pilipino sa panonood ng ganung palabas na puro kabit at puro selosan?

Talagang walang magandang aral sa mga Pilipino, ang panonood ng mga teleserye na may temang agawang asawa, kabit, at selosan.

Bukod pa sa teleserye, pati pelikula rin ay iniimpluensiahan rin nila ang mga Pilipino na movie-goers na manood ng pelikula rin na may temang 'wife/wives' na may halong agawang asawa, selosan, at kabit, minsan nauuwi sa divorce at annulment pa ang tema, kaya masama talaga tignan at nakakasama pa sa ginagawa nila.

Wala talangang sa tamang katinuan kasi ang mga gumagaya sa teleserye, dahil ang tema na kanilang sinusubaybayan ay totohanang hindi talaga nakakagawa ng kabutihan, kahit aral ng palabas na yon ay totohanang hindi talaga nakakatulong sa ginagawa nila, at sila pa mismo ang lumalakad sa kadiliman na dulot ng teleserye.

Kahit anong gawin ng mga Pilipino ay huwag na lang sila manood pa ng TV, upang tumuklas sila ng anomang mapapakinabangan nila sa online, gaya ng Anime, sila lang naman ang magandang panoorin, sila lang ang magandang subaybayan. Kaya nga naging matagumpay ang Anime, dahil kilala sila sa buong mundo. Di kagaya ng teleserye, saan kaya lumanding ang palabas nila sa mga bansa? Di ba sa mga mahihirap pa na bansa pa ang iniimpluensiahan nila ng ganung tema? Talagang "MALI!" pa rin sila.

Kaya iwasan na natin ang mga teleserye na puro lang may ugnayan sa asawa. Ang asawa ay bigay lamang yan ng maylikha at hindi ng teleserye.

Sapagkat ang Anime ay talagang popular yan sa mga kabataan ngayon kesa sa teleserye na agawang asawa, kabit, at selosan.

Kaya iwanan na ng mga Pilipino ang bisyo ng paggaya sa teleserye at tangkilikin na lang nila ang mga Bagong Anime, upang mapaangat ng husto ang Anime/J-Pop Fandom sa Pilipinas, para mapalakas ang pagsikat ng popularidad ng Otaku-Akiba/Japan Pop Culture sa Pilipinas at sa mga Pilipino.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ppop sa Pilipinas: Kabilang ba ito sa pasikat ng bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Ang 'ppop' nga ba ay kabilang nga ba ito sa mga pasikat ng mga pnoys at bakit nga ba masasabi natin kung ito ay kasama sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Bakit sa daming oras at panahon na sinasayang ng mga Pilipino at bakit nga ba hindi nga makakilala ng Bagong Anime at J-Pop ang mga Pilipino. Mayroon nga bang panibagong humaharang o humahadlang sa pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop sa ating bansa? Dapat nga ba makiuso sa mga Pilipino na walang alam sa Anime at J-Pop? Ngayon aalamin natin kung ang pinapauso ng mga Pilipino at ng mga pnoys na ppop ay talaga nga bang kasama ba yan sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa Pilipinas? Masasabi natin ito na talagang kasama sa pasikat ng mga bulaang anime at bulaang jpop sa ating bansa, na pinagsamang 'localismo' na siya ring humahadlang o humaharang mismo sa pagpasok ng kasikatan ng Otaku-Akiba/Ja...
Dapat pa bang paniwalaan ng mga Pilipino ang Anime ay cartoons o cartoons ang Anime? Bakit hanggang ngayon ay marami pa ring naniniwala sa maling paniniwala ng mga Pilipino na ang cartoons ay Anime o Anime ang cartoons? Dapat bang paniwalaan yan? Sa maraming nagdaang issue, marami ang hindi makapaniwala na ano ba ang cartoons at anime sa mga Pilipino, pero bakit marami ang mga Pilipino ang nagpapaniwala sa mga sabi-sabi ng iba na ang Anime ay di umano ay cartoons o Anime ay cartoons. Talaga nga bang tama ngang paniwalaan ng mga Pilipino ang ganung uri ng tawag sa Anime? Ngayon aalamin natin ito, tama ba na matawag na Anime ang mga cartoons o cartoons ang mga Anime? Ang sagot riyan ay "HINDI!" talaga cartoons ang mga Anime o "HINDI!" Anime ang mga cartoons. Samakatuwid baga'y magkaiba ang panig ng cartoons at Anime. Kaya dapat hindi paniwalaan ang mga sinasabi ng iba na ang Anime ay cartoons o cartoons ang Anime. "MALI!" kasi ang ganung uri ng pagkilala...
  Panay ang pa-throwback at pa-90's pababa at 2000's ng mga Pilipino Anime/J-Pop Fans? Gaano kaya nakaka-apekto ito sa pagkilala sa Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas? Pa-throwback at ang panay ang pa 90's pababa at panay ang 2000's ng mga Anime/J-Pop Fans sa Pilipinas, sa halip na Bagong Anime at J-Pop ang kinikilala ay mga luma ang kinikilala lamang nila. Tama ba yon at tama ba silang masanay sa kalumaan kesa sa Bagong Anime at J-Pop na umiiral ngayon sa panahong ito? Marahil ba na ang mga Pilipino Anime/J-Pop Fans ba ay mayroon bang sumasabay ba na makaluma sa kanilang kinikilalang Anime na wala sa panahon nila ngayon, o kaya naman ipinasasadya ba nilang ipakilala ang mga lumang anime sa iba, para lang mawalay sila sa pagkilala sa mga Bagong Anime at J-Pop sa Pilipinas? Gaano kaya napag-iiwanan ang mga Anime Fans sa Pilipinas ng ibang bansa na nakakakilala na sa mga Bagong Anime at J-Pop? Aalamin natin ito, kung bakit nga nakaka-apekto sa pagkilala sa Bagong Anime at...