Japan Itinerary ng mga travel & tours agencies sa Pilipinas; sapat ba, o kulang nga ba, o di kaya naman ay pare-parehas lang na walang naiiba o may di nakakasama na iba?
Pupunta ka ng Japan, kaso ang problema sa listahan ng itineraryo ng travel & tours agencies sa Pilipinas, kung nakakasiguro ka ba na sapat ba, o kaya naman kulang, o di kaya naman ay pare-parehas na larawan sa magkaibang ahensia na walang naiiba o walang kasama na lugar na pupuntahan na hindi pa nasusubukang puntahan ng mga Pilipino?
Ano pa nga ba at bakit nga ba ang mga travel & tours agencies sa buong Pilipinas na nag-aalok ng Japan Tour na maaaring mapuntahan ng mga Pilipino ay talaga nga ba sapat, o kulang, o parehas lang ang alok, kaso walang naiiba o walang nasama na lugar na hindi mapuntahan ng mga Pilipino roon?
Ating matatalakay itong alok na ginagawa ng mga travel & tours agencies sa Pilipinas, kung bakit nga ba natin malalaman kung talagang sapat nga ba, kulang nga ba, parehas lang, ngunit wala ang lugar na pupuntahan mo roon, dahil hindi naisama sa itineraryo na ibinigay ng travel & tours agencies sa Pilipinas.
Kaya alamin natin ito, talaga nga bang sapat ang Japan Itinerary na ibinigay ng travel & tours agencies sa buong Pilipinas? Ang sagot diyan ay "HINDI!" talaga sapat, dahil maraming lugar ang naiwasan o hindi mapuntahan, dahil nga hindi nila isinasama yung lugar sa Japan na maaaring mapuntahan ng mga Pilipino roon.
Yung mga lugar na maaaring ma-experience ng mga Pilipino, talagang kulang nga at wala pa sa listahan na pupuntahan nila, dahil iilan lang ang accessible na lugar na pili lamang at talagang yun lang ang puedeng puntahan lamang ng mga Pilipino roon. Eh iilan riyan ay yung halimbawa diyan ay ang Tokyo. Kaso nga lang yung lugar na hindi mapuntahan riyan ay yung lugar na tahanan ng Otaku-Akiba Culture o yung Akihabara. Dahil kasi yun ang hindi nila mapuntahan, dahil nga yung itinerary nila ay bitin o hindi sapat ang kanilang binigay na panahon o araw sa lugar na yan, kaya napupunta lamang sila sa ibang parte ng Tokyo, gaya ng Fuji, at ng Chiba Prefrecture na kung saan ang Tokyo Disneyland/Disney Sea Resort. Yun ang nakakapagtataka kaya hindi nakaka-experience ang mga Pilipino ng Otaku-Akiba Culture.
Bukod pa sa Tokyo, iilang prefecture ang hindi mapuntahan ng mga Pilipino sa Japan, gaya ng prefecture ng Takayama, Kanazawa, Shirakawa-Go, at Nagano, na mismo na hindi ito mapuntahan ng mga Pilipino roon, dahil ang ruta na dinadaanan nila ay patungo lamang sa pupuntahan nila gaya ng ruta mula Tokyo at Fuji hanggang Nagoya, Kyoto, at Osaka. Yung iba naman kasi hiwalay pa ang itinerary na alok ng mga travel & tours agencies sa Pilipinas, halimbawa, papuntang Hokkaido, mga ilang araw lang sila, may iba papuntang Sapporo, may iba naman hindi naman gaano bihira pumunta sa Hiroshima, Nagasaki, Okinawa, at iba pang lugar na hiwalay na itineraryo na bigay ng travel & tours agencies sa Pilipinas. Kasi may iba diyan sapat, minsan may iba kulang pa nga ba, at may iba, di naman nasama yung lugar na maaaring puntahan ng mga Pilipino.
Eh ang problema pa niyan, may mga lugar sana sa Japan na maaaring ma-experience ng mga Pilipino roon, dahil alam naman natin na gusto nila ma-experience ang culture ng Japan, kesa naman kapusin sila, alam naman natin na yung mga alok ng travel & tours agencies sa Pilipinas ay "HINDI!" talaga malalim ang kanilang mga alok nila.
Sapagkat ang kanilang mga inaalok nila, kahit sa online, eh halos magkaparehas ang kanilang itinerary na alok nila, o nakuha lamang sa kaparehas na gamit rin ng iba't-ibang ahensia ng travel & tours agencies sa Pilipinas, via physical copy ng larawan o online, talagang magkaparehas sila, kaso wala ring naiiba o talagang excluded ang lugar na hindi ma-access ng mga Pilipino roon na pupunta ng Japan. Eh talagang may kakulangan nga ang mga may-ari at tauhan mismo sa kanilang mga travel & tours agencies sa Pilipinas. Kaya hindi nga gaano kapatok ang lugar na maaaring puntahan ng mga Pilipino roon, dahil nauuwi lamang sa di nila na-experience na kultura roon sa lugar nila.
Subalit may mga itinerary na isinasama na 'free time' o kaya naman may pagkakataong makapunta sa lugar na hindi pa na-experience, dahil sa wala sa listahan ng itineraryo na pupuntahan roon, talagang may pagkakataon silang pumunta roon sa lugar na hindi pa nasusubukang ma-experience, kahit papaano.
Eh ang walang free time talaga, mukhang hindi sapat yon, pero yung mga hindi nasama na lugar sa Japan na maaaring puntahan pa ng mga Pilipino ay talagang puede pa nilang i-customize yon, para maging sapat ang kanilang puntahan roon sa lugar sa Japan na hindi gaano napupuntahan ng mga Pilipino roon.
Kaya nagagawa ng mga Pilipino na malakbay at ma-experience ang lugar na dapat mapuntahan, habang may oras pa sila.
Samakatuwid, alam naman natin na bago muna pumunta sa Japan, kailangan munang suriin ang mga travel & tours agencies sa Pilipinas, kung ang kanilang listahan ng Japan Itinerary ay sapat ba, kulang ba, o may pagkakataong ma-customize ang itinerary, kung sakaling mapuntahan ang hindi mapuntahang lugar roon.
Kaya dapat maging maparaan, bago tayo pumunta sa Japan, para hindi mabitin sa pag-experience ng kultura roon at hindi masayang sa wala ang mapupuntahan ng mga Pilipino roon. Dapat mapanuri at dapat alamin ang mga lugar na hindi pa napupuntahan, upang malaman ng mga Pilipino ang lugar sa Japan na hindi pa nila napupuntahan.
Huwag tayong magtitiwala bigla sa mga alok na papuntang Japan na magkaparehas ang larawan ng itinerary na talagang kopyado sa iba, dapat lamang magtungo sa mga travel & tours agencies sa Pilipinas na hindi gumagamit ng kaparehas na larawan ng Japan Itinerary, at dapat mai-customize kaagad, para walang lugar sa Japan na minamaliban o iniiwasan, para malaman ng mga tauhan na yon ay talagang hindi pa nasusubukan at dapat rin isama sa listahan ng Japan Itinerary.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento